Ihahayag ng Philippine Sports Commission (PSC) simula ngayong umaga ang buong detalye sa planong pagbuo ng Philippine Sports Institute (PSI) para sa ‘long term’ program ng pamahalaan sa gaganaping National Consultative Meeting simula ngayon sa Multi-Purpose Arena ng PhilSports sa Pasig City.

Inaasahang ilalatag ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez ang ‘blue print’ ng programa na nakatuon sa grassroots sports development patungong sa pagiging world-class athlete ng Pinoy.

“Our objective in the two day national consultative meeting is (1). To roll-out the calendar of activities of Philippine Sports Commission (PSC), (2.) To consult the Local Government Units (LGUs), DEPED, DILG and other National Government Agencies (NGAs) on the content of PSC Development Plan 2016-2022, and (3.) To present and discuss the structure and programs of Philippine Sports Institute,” sabi ni Ramirez.

Tampok sa dalawang araw na pagpupulong ang paglalatag ng pangkahalatang programa ng ahensiya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Duterte.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nauna rito, nagsagawa ng Top-Level Consultative Meeting at pahapyaw na magiging set-up ng PSI nitong Setyembre 1-2.

Ayon kay Ramirez, inimbitahan ang mga kinatawan ng DepEd, LGUs at iba pang stakeholder sa pagpupulong.

(Angie Oredo)