SANTIAGO CITY, Isabela – Kinasuhan ng rape sa menor de edad ang isang lalaking estudyante ng junior high school matapos umano niyang gahasain ang dalagita niyang kaklase sa loob ng comfort room ng kanilang eskuwelahan.

Nabatid na kapwa 15-anyos at Grade 10 students ang biktima, na taga-Barangay Garit Sur, Echague, Isabela; at ang suspek na residente ng Bgy. Rosario, Santiago City.

Ayon sa report, dakong 6:00 ng gabi noong Hulyo 27 nangyari ang krimen matapos na sundan ng suspek ang biktima na umihi sa comfort room ng isang pribadong eskuwelahan sa Bgy. Villasis, Santiago City.

Bagamat agad na nagharap ng reklamo ang dalagita, hindi agad nakuha ang resulta ng medico legal sa kanya dahil nangibang-bansa ang doktor na tumingin sa biktima, ayon kay SPO4 Gloria Gaoiran. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar