Nagsipagwagi sa kani- kanilang mga katunggali ang defending champion Centro Escolar University, San Beda College Alabang, De La Salle Zobel at Miriam College sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 47th WNCAA tournament.

Nakamit ng five-time senior basketball champion na CEU ang ikatlong sunod na panalo matapos gapiin ang Assumption College, 83-15, sa St. Scholastica’s College gym.

Umangat din sa malinis na barahang 4-0 ang five- time junior division champion De La Salle Zobel matapos padapain ang season host St. Jude Catholic School, 91-18,sa SJCS gym.

Sumalo sa kanilang pamumuno ang St. Paul College Pasig kasunod ng pagdomina sa Assumption, 54-24.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Sa senior volleyball, nasolo rin ng defending champion San Beda ang pamumuno matapos iposte ang ikatlong dikit na panalo, 25-23, 17-25, 25-16, 15-25, 15-11 kontra CEU sa Rizal Memorial Coliseum.

Lumikha naman ng three- way tie sa pamumuno ang Miriam matapos igupo ang Assumption, 25-18, 25-15, 25-23, kasalo ng San Beda at DLSZ na may barahang 2-0. (Marivic Awitan)