dingdong-copy-copy

MASAYANG lumipad papuntang States sina Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama ang baby nilang si Zia dahil sa balitang nanalo sa rating ang Alyas Robin Hood. Bukod sa panalo sa rating, panalo rin ang action series ng GMA-7 sa online community dahil nag-trend ito.

Napa-tweet tuloy si Dingdong ng pasasalamat sa viewers na tumutok sa Alyas Robin Hood at sabi niya, “Mula sa buong team #AlyasRobinHood, maraming salamat sa lahat ng nanood.”

Napatunayan ng mga tumutok sa Alyas Robin Hood na malayo ito sa US series na Arrow na kanilang ipinag-ingay. Kaya lang, hindi pa rin ligtas sa reklamo ang action series kapag lumabas ang eksenang may mga zombie ang episode. Ini-expect na ni director Dominic Zapata na may magsasabi namang kinopya nila ang Korean movie na Train To Busan.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

“Para sa amin (team ng Alyas Robin Hood), walang isyu sa accusation nilang nangopya kami dahil ginawa ng network at ng creative team ang kanilang masusing pagsusuri at pag-create ng show na kahit kailan, ‘di ko kinukuwestiyon. Malaki ang tiwala ko sa network at klaro sa amin dahil kung may doubt kami, hindi sana nagkaroon ng Alyas Robin Hood. Maganda at maayos ang story namin, may action, comedy, at drama. Masaya ito dahil iba-iba ang mapapanood sa primetime,” sabi ni Dingdong. (Nitz Miralles)