GENERAL SANTOS CITY – Apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay sa pakikipagsagupaan sa mga tauhan ng Philippine Army sa Ampatuan, Maguindanao nitong Martes.

Sinabi ni Col. Cirilito Sobrejana, commander ng 601st Infantry Brigade, na nagpapatrulya ang mga sundalo nang makaengkuwentro ang nasa 20 miyembro ng BIFF sa Barangay Kauran, Ampatuan.

Umabot sa 20 minuto ang labanan hanggang umatras ang mga rebelde at mabawi ng militar ang matataas na kalibre ng baril mula sa mga ito. (Joseph Jubelag)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar