BATANGAS - Tatlong lalaki ang naiulat na namatay habang sugatan naman ang isa pa sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa Batangas.

Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 1:30 ng hapon nitong Martes nang pagbabarilin ng dalawang suspek ang negosyanteng si Romano Hernandez, 45, ng Barangay Lapu-Lapu, Ibaan, na dead on arrival sa ospital.

Dakong 11:45 naman ng umaga nang matagpuan ang bangkay si Antonino Bindol, 46, sa kanyang bukid sa Bgy. Bagumbayan, Tanauan City.

Patay din ang security guard na si Joselito Bayaborda, 47, nang pagbabarilin habang sakay sa kanyang motorsiklo sa Bgy. Puting Kahoy, Lian.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Samantala, ginagamot naman sa ospital ang tricycle driver na si Jessie Mangabat, umano’y nasa drug watchlist, matapos pagbabarilin sa Bgy. San Rafael, Sto. Tomas. (Lyka Manalo)