Tatlo pa sa walong aktibong bulkan sa bansa ang nakapagtala ng mga pagyanig sa nakalipas na 24 oras.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakapagtala ng walong paglindol ang Mt. Bulusan sa Sorsogon, at tig-dalawang pagyanig ang Mt. Mayon sa Albay at Mt. Kanlaon sa Negros Island.

Inaasahan na magtuloy-tuloy pa ang mga naitatalang paglindol ng tatlong bulkan na isinailalim pa rin sa level 1 alert status.

Binabantayan din ng Phivolcs ang Mt. Taal sa Batangas, Mt. Smith sa Kalayan, Mt. Hibok-Hibok sa Camaguin, Mt. Pinatubo sa Zambales, at Mt. Musuan sa Bukidnon. (Rommel P. Tabbad)

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal