Umabot sa 25 bahay ang naabo at 59 na pamilya ang nawalan ng tirahan sa pagsiklab ng apoy sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Base sa report, dakong 1:34 ng madaling araw nagsimula ang apoy sa bahay ni Aristeo Evangelista sa Telecommunication Compound, MacArthur Higway, Barangay Karuhatan ng nasabing lungsod.

Napag-alaman na nag-overheat ang electric fan ng pamilya Evangelista na naging sanhi ng sunog at dahil gawa sa light materials ang ilan sa mga katabing bahay, mabilis na kumalat ang apoy.

Umabot ng Task Force Alpha ang sunog na tuluyang naapula dakong 4:00 ng madaling araw.

'May milyonaryo ulit!' Lone bettor, wagi ng ₱15M sa Super Lotto 6/49!

Wala namang inulat na nasawi ngunit aabot sa mahigit P500,000 halaga ng ari-arian ang natupok. (Orly L. Barcala)