Sa harap ng daan-daang overseas Filipino workers (OFWs) na stranded pa rin sa Saudi Arabia, umapela ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa gobyerno na patuloy na magkaloob ng tulong sa mga problemadong manggagawa hanggang sa ligtas na makauwi ang mga ito sa Pilipinas.

Inayudahan ng Philippine humanitarian mission sa Saudi Arabia, sa pamumuno ng Department of Foreign Affairs, DSWD, Department of Labor and Employment (DoLE), Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA), Department of Health, at Technological and Skills Development Administration (TESDA) ang mga OFW na apektado ng krisis.

“We are very happy for the success of the humanitarian mission and we laud the efforts of the members of the DSWD team who worked very hard to reach out to our stranded kababayans in Saudi Arabia,” sabi ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo.

“However, based on the assessment of the team members themselves, much remains to be done because so many OFWs remain in dire straits in different part of Saudi Arabia. We have to continue our efforts to reach them and give them the assistance they need until they can return safely to the Philippines,” dagdag niya. (Ellalyn B. De Vera)
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon