NUEVA ECIJA – Isang 40-anyos na umano’y drug pusher ang naaresto sa buy-bust operation sa bayan ng Pantabangan, kasunod ng pagkakadakip sa isang matagal nang wanted sa frustrated murder sa San Jose City sa lalawigang ito, nitong Lunes.

Batay sa report ng Pantabangan Police, Lunes ng gabi nang maaresto ang nasa drug watchlist na si Rogelio Lapat y Ganela, sa buy-bust operation sa Purok 6 sa Barangay Malbang. Nasamsam sa kanya ang limang heat-sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu at drug money.

Lunes ng umaga naman nang madakip sa Sitio Dilaen, Bgy. Abar 2nd sa San Jose City si Marcial Duyon y Pahinad, 34, residente sa lugar.

Sinabi ni Insp. Roilan V. Gonzales, arresting team leader, na nahirapan sila sa paghahanap kay Duyon, na nadakip sa bisa ng arrest warrant sa frustrated murder. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar