PHILADELPHIA (AP) — Bagong bahay, bagong pag-asa sa kampanya ng Philadelphia Sixers.

Sasabak ang Sixers sa pagbubukas ng season na may bagong state-of-the art practice facility sa Camden, New Jersey.

“It’s a place where players will come and spend time and make it feel like home,” pahayag ni CEO Scott O’Neil.

“It’s the biggest and best that’s ever been built,” aniya.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Binigyan ang Sixers ng $82 milyon tax break ng New Jersey sa loob ng 10 taon para ilipat ang pasilidad ng Sixers sa kanilang state.

Ang Philadelphia ang tanging NBA team na walang practice facility. Sa nakalipas na 16 na taon, umuupa lamang ang Sixers sa Philadelphia College of Osteopathic Medicine.