Magmamartsa ngayon ang mga militante, human rights at iba pang cause oriented groups, kasabay ng paggunita sa 44th anniversary ng deklarasyon ng martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), ang mga demonstrador ay mananawagan ng hustisya para sa mga biktima ng martial law.

Igigiit din ng mga ito na huwag payagang mabigyan ng ‘state honors’ ang dating Pangulo. Ang BAYAN ay isa sa mga petitioners na kumokontra sa planong paghimlay kay sa mga labi ng dating Pangulo sa Libingan ng mga Bayani.

Magkikita ang mga demonstrador sa Welcome Rotunda at magmamartsa sa Mendiola, ayon kay BAYAN secretary-general Renato Reyes.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi pa ni Reyes na hihilingin rin nila ang pagpapalaya sa political prisoners, sa pamamagitan ng amnesty proclamation. (Chito A. Chavez)