Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na may sapat na pondong magagamit sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa susunod na taon kasunod ng pagkakapasa ng House Bill 3504, na nagpapaliban sa halalan ngayong taon.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, gagamitin pa rin nila ang 2016 budget sa isasagawa nilang Barangay at Sangguniang Kabataan polls sa Oktubre 23, 2017 dahil hindi naman nila ito nagamit ngayon.

Nabatid na aabot sa P200 milyon lamang ng kabuuang P6 bilyong alokasyon ang nagastos ng poll body sa paghahanda sa 2016 polls, bago nila tuluyang itinigil ang preparasyon.

“We still have enough funds for the 2017 elections from our continuing appropriations. We can still use our 2016 budget,” paliwanag ni Comelec Spokesperson James Jimenez. (Mary Ann Santiago)

Relasyon at Hiwalayan

Richard Gutierrez, Barbie Imperial kumpirmadong nasa dating stage na