Anim na pagyanig ang naitala mula sa nag-aalburutong Mt. Bulusan sa loob ng 24 oras, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon.

Ayon sa Phivolcs, isa lamang ito sa palatandaan na nagkakaroon ng hydrothermal process sa ilalim ng bulkan na maaaring magdulot ng steam-driven eruption.

Ipinaiiral pa rin ang level 1 alert status sa loob ng 4-km. radius permanent danger zone (PDZ) ng Bulusan.

(Rommel P. Tabbad)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter