Ginapi ng La Salle, sa pangunguna ni Khate Castillo na kumana ng 20 puntos, ang University of Santo Tomas, 77-67, para manatiling matatag sa UAAP Season 79 women’s basketball tournament sa MOA Arena.

Nag-ambag si Benette Revillosa ng 13 puntos, habang kumubra si Snow Penaranda ng 10 puntos, 10 assist at siyam na rebound at kumana si Chay Vergara ng 10 puntos para sa Lady Archers.

Nakopo ng De La Salle ang ikatlong panalo sa apat na laro para mabawi ang kabiguang natamo sa NU Lady Bulldogs, 59-72, nitong Linggo.

Pinabagsak naman ng Ateneo Lady Eagles ang Far Eastern U Lady Tams, 60-56.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Kumana nang pinagsamang 28 puntos sina Hazelle Yam at Jonette Uy De Ong para sa Ateneo.