kris-copy-copy

CURIOUS kami kung anong tindahan ng makeup ang pinuntahan ni Kris Aquino sa Hong Kong na sinungitan siya bukod pa sa hindi maganda ang serbisyo na naging dahilan kaya hindi niya napagbigyan ang mga kababayang OFW para magpa-picture sa kanya.

 

Ang post ni Kris sa Instagram, “Sending this message to the group of Filipinas behind me sa line in the beauty products chain here in HK I choose not to name (kasi masungit talaga their ser­vice). 

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“I apologize because I know you wanted picture, but after I paid, ‘yung checker inisa-isa all the lashes & eyeliner I bought, super slow na nga, hindi pa nice ‘yung salesgirls eh bayad naman na & kung nagka-mistake, not my fault but the ca­shier’s, sad because so different from the innate charm of Pinoys, and the efficiency & helpfulness of the Japanese.

 

“I’m sorry because I think nainip kayo when I looked for you, you were gone. I hope this message manages to reach you, hindi ko intention to not have a picture, I just didn’t want it inside the store.”

Actually, paborito naming puntahan ang Hong Kong dahil masarap maggala at masarap mamili, pero nakakaranas talaga kami ng ganitong pagsusungit at hindi magandang trato sa ilang tindahan doon at maging ng mga taxi driver na iba rin ang ugali. After ng hindi magandang karanasan namin sa HK five years ago, iniiwasan na naming pumunta roon.

 

Marahil ay hindi pa nakapunta si Kris sa Korea kaya hindi niya ito naikumpara sa Hong Kong, Japan at Pilipinas. Sobrang mababait at magagalang ang mga Koreano/Koreana.

(Reggee Bonoan)