sen-leila-de-lima_file-copy

Dinurog ng mga testigo ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II si Senator Leila de Lima sa unang araw ng pagdinig ng House Committee on Justice kahapon, kung saan direktang idinawit sa illegal drug trade ang senadora.

Sa pagdinig ng komite, nakaladkad din ang pangalan ng celebrities na sina Sharon Cuneta, Mocha Girls, Freddie Aguilar at Ethel Booba, umano’y nag-concert at nagbigay ng entertainment sa mga maimpluwensyang inmates na sangkot sa ilegal na droga.

Sa pangakong hindi makakasuhan, anim na convicts ang unang tumayong testigo, at inilahad ng mga ito ang drug link sa dating Justice secretary na si De Lima.

Human-Interest

KILALANIN: Si Pope Leo XIV—ang Santo Papa na aktibo sa social media

Kabilang sa binigyan ng immunity sina dating police chief inspector Rodolfo T. Magleo, Herbert Colangco, Jaime Patcho, Noel Martinez, Rafael Ragos at Jovencio Ablen.

Hari ng Bilibid

Unang sumalang sa pagdinig si convicted kidnapper Rodolfo T. Magleo, kung saan sinabi nitong hari ng New Bilibid Prisons (NBP) ang drug lord na si Jaybee ‘JB’ Sebastian.

Ito ay dahil tumanggap umano ng proteksyon mula sa DoJ officials si Sebastian.

Sinabi ni Magleo na binigyan umano ni Sebastian ng P10-milyon protection money si De Lima noong Justice secretary pa lang ang huli. Kasunod nito ay P1 million kada buwan.

“Balita ko noon milyones ang ibinibigay ni (Herbert) Colangco. At least P2 to P3 million a month at tuwing may concert, P1 million,” ayon pa kay Magleo.

“Na-observe ko lahat ng sitwasyon, bago naging secretary si Leila de Lima hindi talamak ang droga sa Bilibid,” dagdag pa nito.

Nakilala umano ni Magleo si De Lima at ang driver nitong si Ronnie P. Dayan noong 2011.

Nauna nang sinabi ni Magleo na naging ‘drug trade center’ ang NBP, kung saan sentro na ito ng bentahan ng ilegal na droga noong panahon ni De Lima.

Aide ni De Lima

Sa panig ni Colangco, sinabi naman nitong nakilala niya noong 2014 ang security aide ni De Lima na si Jonel Sanchez.

Kumukolekta umano sa kanya ng P3-milyon buwanang payola si Sanchez. Upang masiguro, hiningi umano ni Colangco ang cell phone number ni De Lima para ipabatid ang ibinibigay niyang P3 milyon.

Ang cell phone number ng Senadora ay binanggit ni Colangco sa Kamara, kung saan kinumpirma ng Cebu lady solon na kapareho ito ng contact number niya kay De Lima.

Inaasahan ko na ‘yan—De Lima

Samantala sinabi ni De Lima na inaasahan na niya ang lahat ng akusasyon laban sa kanya at nakahanda naman siyang ipagtanggol ang kanyang sarili sa tamang pagkakataon at panahon.

“Sinabi na ito ng Pangulo na hindi siya titigil hangga’t hindi ako nadapa at nadurog, eto na ‘yan” ani De Lima.

Nagpahayag din ng kalungkutan si De Lima sa pagpapatalsik sa kanya bilang chairperson ng Senate committee on justice and human rights, pero mananatili umano ang kanyang pagnanais na lumabas ang katotohanan hinggil sa extrajudicial killings.

Ang mensahe ni De Lima sa mga presong tumetestigo sa kanya: “Pinapatawad ko kayo, pero ang nasa likod n’yo ay hindi.”

(BEN ROSARIO at LEONEL ABASOLA)