Nakatakdang pag-agawan ng Meralco at Mahindra ang ikaapat at huling tsansa sa ‘twice-to-beat’ na bentahe sa playoffs, habang huling quarterfinal berth ang nakataya sa laro ng Phoenix at Rain or Shine ngayon sa OPPO-PBA Governors Cup.

Naging krusyal ang sitwasyon matapos magtabla ang mga koponan sa pagtatapos ng elimination.

Nagtapos sa three-way tie sa ikaapat na puwesto sa pagtatapos ng single round elimination ang Meralco, Mahindra at Alaska na pawang may 6-5 karta.

Ngunit, bumaba sa No.6 spot ang Aces dahil sa mas mababang qoutient.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Nagtabla naman ang Phoenix, Rain or Shine at NLEX sa 5-6 karta.

Pasok na ang Road Warriors habang pag-aagawan ng Elasto Painters at Fuel Masters ang huling slot sa top 8.

Batay sa format, ang mangungunang walong koponan sa pagtatapos ng single round elimination ang uusad sa quarterfinal kung saan ang top 4 ay bibigyan ng ‘twice-to-beat’ na bentahe.

Nakuha ng Talk N Text Tropang Texters ang No.1 spot kasunod ang defending champion San Miguel Beer at Barangay Ginebra San Miguel. (Marivic Awitan)