Pinaalalahanan kahapon ng Commission on Human Rights (CHR) ang Philippine National Police (PNP) na maging transparent at sumunod sa tamang proseso ng batas sa pinaigting na kampanya laban sa mga suspek sa droga.

Binanggit ni CHR Commissioner Gwen Pimentel-Gana, ang mga reklamong natanggap nila mula sa mga kaanak ng mga napapaslang na isinasangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Aniya, kung ipinaiiral ng PNP ang transparency at sinusunod ang alituntunin ng batas ay wala na sanang kumukuwestyon sa anti-drug operations ng pulisya.

“Ang panawagan namin is that, talaga naman dapat, calling on the police to be more transparent in their operations para hindi naman magkaroon ng suspicion sa kanilang mga ginagawa.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“At siguro panawagan din na they follow the operations manual closely para naman ang ending ay hindi lahat patay,” sabi ni Gana. (Rommel P. Tabbad)