BEIJING (AP) – Iniimbestigahan ng Chinese authorities ang isang kumpanya na ayon sa mga mananaliksik ay nagbenta ng mga materyales sa North Korea na ginamit sa lumawak na nuclear weapons program ng bansa.
Kapansin-pansin ang anunsyo tungkol sa Hongxiang Industrial Development Co. sa Dandong, ang border city sa hilagang silangan ng lalawigan ng Liaoning, para sa Beijing na karaniwang malihim sa mga transaksyon nito sa North.
Pinaghihinalaan na ang Hongxiang ay nakagawa ng “serious economic crimes,” ayon sa magkahiwalay na anunsyo ng pulisya sa Liaoning at ng foreign ministry ng China. Hindi na ito nagbigay ng mga detalye, ngunit ayon sa isang South Korean think tank, nag-supply ang kumpanya ng aluminum oxide at iba pang materyales na ginamit sa pagpoproseso ng nuclear bomb fuel.