KALIBO, Aklan - Isang 10-anyos na bata ang nasawi habang kritikal naman ang dalawa pang menor de edad na pinsan niya matapos ma-hit-and-run sa bayang ito, kamakailan.

Ayon sa magulang ng mga biktima, sakay sa bisikleta ang tatlong biktima nang biglang sagasaan ng humaharurot na mini jeep, na nagpatuloy lang sa pagharurot.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng driver ng mini jeep. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar