LA PAZ, Tarlac – Katarungan ang hinihingi ngayon ng isang 25-anyos na dalaga sa pulisya upang obligahin ang isang 41-anyos na lalaki na sustentuhan ang ipinagbubuntis niyang anak nila.

Lunes nang dumulog ang dalaga sa Women and Children Protection Desk ng La Paz Police para ireklamo si Ruperto Arandia, may asawa, ng Barangay Comillas, La Paz, na tumatanggi umanong sustentuhan ang ipinagbubuntis ng una.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Carol Almazan, Marso 2015 nang nagkakilala ang dalawa at nagkaroon ng relasyon makalipas ang dalawang buwan.

Marso 2016 naman nang magbuntis ang dalaga sa anak ni Arandia, na kakasuhan ng paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children (RA 9262).

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar