MILWAUKEE (AP) – Napanatili ng Milwaukee Bucks ang serbisyo ni Giannis Antetokounmpo, isa sa itinuturing versatile player sa kasalukuyan sa NBA.

Ipinahayag ng Bucks nitong Lunes (Martes sa Manila) na lumagda ng apat na taong contract extention si Antetokounmpo na nagkakahalaga ng US$100 milyon.

Naitala ng 6-foot-11 na si Antetokounmpo ang averaged 16.9 puntos, 7.7 rebound at 4.3 assist sa nakalipas na season.

Iginiit ng Bucks na bubuuin nina Antetokounmpo at rookie forward Jabari Parker ang katatagan ng prangkisa sa hinaharap.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Nabigo ang Milwaukee na makapasok sa playoffs sa nakalipas na season, ngunit kahanga-hanga ang performance niya, higit at siya ang kauna-unahang player sa kasaysayan ng prangkisa na nakagawa ng limang triple-double sa isang season.

“In my fourth year, my role is going to be a lot bigger,” pahayag ni Antetokounmpo sa naunang panayam noong Abril.

“It’s time for me to step up and lead this team.”

Samantala, hindi sumipot si J.R. Smith sa minicamp ng defending champion Cleveland Cavaliers.

Hindi pa nakalalagda ng bagong kontrata si Smith.