angel-at-sam-copy-copy

MARAMI ang nababasa naming komento na “bagay na bagay” sa promo pictorial nina Angel Locsin at Sam Milby para sa pelikulang Third Party mula sa Star Cinema na idinirek ni John Paul Laxamana.

Oo nga, Bossing DMB, may chemistry sina ‘Gel at Samuel at totoong bagay talaga sila, sayang nga at hindi sila nagtatagpo noong mga single pa sila.

Halos anim na taong walang karelasyon si Sam, pero si Angel naman ay mayroon at noong nahiwalay naman na ang aktres sa ex-boyfriend niyang sina Phil Younghusband at Luis Manzano ay saka naman nagkaroon ng Mari Jasmine Jones si Samuel Lloyd.

Makeup artist sa CDO, nasawi nang atakihin sa puso habang rumarampa sa stage

Hmmm, baka talagang hanggang friends lang sila or malay natin, hindi pa naman kasal sina Sam at Mari Jasmin, ha, ha, ha, ipilit talaga?

Pero kilala rin namin kasi si Angel, hindi siya tumatalo ng kaibigan lalo na kapag naging close niya.

At itong si Sam naman ay panay ang post na nami-miss na niya si Mari Jasmine na nasa ibang bansa dahil sa trabaho nito. Ang parating post ng aktor, “miss my M.O.” Ano kaya ibig sabihin ng M.O, my only kaya?

As of this writing ay wala pang sinasabi kung kailan ang showing ng Third Party. (Reggee Bonoan)