PINAMUNGAJAN, Cebu – Lima na ang kumpirmadong kaso ng sakit na chikungunya, na gaya ng dengue at Zika virus ay dulot ng kagat ng lamok.

Ayon sa Provincial Health Office (PHO), apat sa nakumpirmang mga kaso ay naitala sa bayan ng Pinamungajan, habang taga-Balamban naman ang isa pa.

Isinailalim na sa masusing monitoring ang limang pasyente, bagamat sinabi ni PHO Chief Dr. Rene Catan na papagaling na ang mga ito, matapos magkaroon ng mataas na lagnat, matinding pananakit ng kalamnan, kasu-kasuan at ulo, hilo, matinding pagod at pamamantal ng balat. (Mars W. Mosqueda, Jr.)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar