Tatlong nasa drug watchlist ng pulisya ang pinagbabaril at napatay ng mga hindi nakikilalang salarin sa mga lalawigan ng Benguet, Apayao at Batangas.

Sa ulat ng Benguet Police Provincial Office, binaril sa bilyaran si Osias Wassan Dada-an, 36, negosyante, ng Pico, La Trinidad, dakong 12:30 ng umaga kahapon; habang nagdidiskarga naman sa truck nang ratratin si Edmund Cascayan Tungpalan, 37, ng Poblacion West, Flora, Apayao dakong 4:00 ng hapon nitong Lunes.

Sa Calatagan, Batangas, pinagbabaril din si Bonifacio Pineza, 34, taga-Bgy. Matabungkay, Lian, dakong 4:50 ng hapon nitong Lunes habang nagpapahinga sa duyan, ayon kay PO2 Dennis Mira. (Rizaldy Comanda at Lyka Manalo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar