Venus Williams

LAS VEGAS (AP) – Kabuuang 15 sa 558 atleta sa delegasyon ng United States na isinabak sa Rio Olympics ang isinailalim ng World-Anti Doping Agency sa ‘therapeutic-use exemptions’.

Ang naturang exemption, mas kilala bilang TUEs, ang sentro ng usapin ngayon matapos ma-hack ng Russian group na tinaguriang ‘Fancy Bears’ ang database ng WADA at isinapubliko ang ‘confidential medical record’ ng halos 30 atleta mula sa walong bansa.

Ang TUEs sa naturang mga atleta ay pinayagan ng WADA para masustinahan ang medisina ng mga atleta na nagtataglay ng kondisyon sa pangagatawan tulad ng asthma. Ngunit, ayon sa ilang kritiko, ang gamot na pinayagan ng WADA na magamit ng mga naturang atleta ay makatutulong para mas mapalakas ang kanilang katawan sa panahon ng laban.

Human-Interest

KILALANIN: Si Pope Leo XIV—ang Santo Papa na aktibo sa social media

Personal na tinarget ng grupo ang mga babaeng US Olympian tulad ng magkapatid na Serena at Venus Williams, gayundin ang gold medal-winning gymnast na si Simone Biles.

Batay sa medical record, suportado ng WADA ang pagbibigay ng TUEs sa tatlo at sa ibang pang mga atleta na ‘na-exposed’ sa publiko.

“I am one of the strongest supporters of maintaining the highest level of integrity in competitive sport and I have been highly disciplined in following the guidelines,” pahayag ni Venus Williams.

Ngunit, kung ikukumpara ang dami ng atleta ng US na binigyan ng TUEs, higit itong madami sa bilang ng mga atleta na naglalaro sa NFL, NBA, NHL at MLB.

Ngunit, iginiit ng International Olympic Committee (IOC) na dumaan sa tamang proseso ang pagbibigay ng TUEs sa naturang mga atleta.

“The truth is, it would be foolish to try and cheat this way. If you’re trying to cheat, the idea that you would self-disclose what you’re already using, or want to use that is illegal, isn’t very bright,” pahayag ni Travis Tygart, CEO ng USADA.

“Most of the action by cheats now is focused on substances we haven’t yet found, or had a chance to ban - like the meldonium situation.”