Pinaalalahanan ng Supreme Court (SC) ang mga law enforcer sa mga patakaran sa pagdakip sa tao at paghahalughog sa sasakyan nang walang warrant kasunod ng pagkakaabsuwelto nito sa isang drug convict dahil sa “unreasonable and unlawful” na pag-aresto at paghahalughog ng pulisya.

Sa desisyong isinulat ni Justice Estela M. Perlas-Bernabe, sinabi ng Korte Suprema na dapat na mayroon munang naaayon sa batas na pag-aresto bago gawin ang paghahalughog at “the process cannot be reversed.”

Binigyang-diin pa na “routine inspections do not give police officers carte blanche (complete freedom to act as one wishes or thinks best) discretion to conduct warrantless searches in the absence of probable cause.”

Dahil dito, inabsuwelto ng kataas-taasang hukuman si Gerrjan Manago sa paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) dahil sa violation sa mga panuntunan sa warrantless arrest at search.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hinatulan si Manago ng Cebu City Regional Trial Court noong 2009 at pinagtibay ito ng Court of Appeals noong 2013.

(Rey. G. Panaligan)