rey-valera-copy-copy

KONTRABIDA ang bansag ng marami kay Rey Valera, punong hurado sa “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime. Sa sandaling itaas ni Valera ang kanyang kamay, nangangahulugang may ‘gong casualty’ na uuwing luhaan.

Nangyari ito last Saturday sa isang contestant na nagtatrabaho bilang janitress na kahit anong moral support ang gawin ng hosts ay hindi tumigil sa pag-iyak.

Paliwanag ni Rey, “Hangga’t maaari ay ayaw naming ma-gong ang sinumang kalahok. We try to be linient at pinalulusot ang ilang pagkakamali. Pinalalagpas namin kung tatlo lang ang naging flat notes, pero kapag sumobra na ay ibang usapan na ito. In any competition, dalawang bagay lamang ang p’wedeng mangyari, ang manalo o matalo. Dapat ay tanggapin nila nang maluwag sa kalooban ang pagkatalo. P’wede naman silang bumalik anytime. Ang lagi kong ipinapayo ay araling maigi ang kanta, pumili ng kantang popular at huwag bumirit para magpa-impress.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa puntong ito ay ibinigay ni Rey ang mikropono kay Karla Estrada na sa halip na magpayo ay nagbigay ng isang maagang pamasko, isang pangkabuhayan package para sa nabigong kalahok.

Sa totoo lang ay mahirap naman talaga kasi ang piniling awitin ng kalahok. Dance With My Father is hard to interpret.

(Remy Umerez)