Sinabi ni Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc. president Jose ‘Joey’ Romasanta na binigyan lamang ng pagkakataon ang Philippine Volleyball Federation (PVF) na maghain ng kanilang reklamo sa International Volleyball Federation (FIVB) bilang ‘courtesy’.

Ayon kay Romasanta, klaro na ibinigay ng FIVP sa kanilang grupo ang recognition kung kaya’t walang dahilan para mabago pa ang desisyon ng International Federation (IF).

“Huminge sila ng audience, siyempre courtesy kaya pinagbigyan sila. Hindi naman ibig sabihin nito ay pagbibigyan kung ano ang gusto nilang mangyari,” sambit ni Romasanta.

Iginiit ni Romasanta, na nakalagay sa imbitasyon ng FIVB sa LVPI na ‘as sole recognized association in the Philippines’ libre ang aming biyahe at accommodation sa Congress meeting, aniya.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Iginiit ni PVF president Edgardo ‘Boy’ Cantada na binigyan sila ng pagkakataon ng FIVB dahil naniniwala ang IF na may hokus-pokus na naganap para sirain ang PVF.

“Hindi kami iimbitahan kung hindi kami kinikilala. Ibig sabihin nito, until now PVF pa rin ang kinatawan ng bansa sa FIVB,” sambit ni Cantada.