TARLAC CITY - Isang propesor ng Central Luzon State University (CLSU) na nag-check-in sa El Cabalen Transient Inn sa Barangay San Sebastian sa siyudad na ito ang natagpuang patay, nitong Linggo ng gabi.

Sa ulat kay Tarlac Chief of Police Supt. Bayani Razalan, sa pamamagitan ng ID ay nakilala ang bangkay na si Fulgencio Soriano, 52, may asawa, ng Executive Avenue, Science City of Muñoz. Inaalam na ang sanhi ng pagkamatay nito.

Napag-alaman na dakong 3:11 ng hapon nang mag-check in, sakay sa Mitsubishi Montero (WQC-972), si Soriano sa nasabing inn para sa tatlong oras na pamamalagi.

Makalipas ang isang oras ay isang seksing babae na may taas na 5’1” at nakasuot ng itim na jersey sando ang lumabas sa kuwarto at hindi na bumalik.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Pagsapit ng 6:20 ng gabi ay kinatok na ng room attendant si Soriano pero hindi ito sumagot hanggang sa nadiskubre ang bangkay nito na nakahubad. (Leandro Alborote)