NEW YORK (Reuters) – Limang bilang ng attempted murder in the first degree at dalawang second-degree weapons charges ang isinampa ng Union County prosecutors laban sa nahuling suspek ng pagpasabog sa Chelsea district ng New York noong Sabado na ikinasugat ng 29 katao.
Naaresto ng pulisya nitong Lunes si Ahmad Khan Rahami, 28-anyos na Amerikano na isinilang sa Afghanistan, sa Linden, New Jersey ilang oras matapos ilabas sa publiko ang larawan nito. Dalawang pulis ang nasugatan nang manlaban si Rahami, na tinamaan din ng bala ng baril.
May hinala ang pulisya na si Rahami, nakatira sa katabing lungsod ng Elizabeth, ang siya ring nasa likod ng bombang sumabog sa dalampasigan ng Jersey noong Sabado, sa device na natagpuan malapit sa pagsabog sa New York, at sa anim pang devices na natagpuan malapit sa Elizabeth train station noong Linggo ng gabi.