Nag-aagaw-buhay ang isang construction worker matapos pagsasaksakin ng apat na lalaki na umano’y naasar dahil sa pasuray-suray na lakad ng una dahil sa kalasingan sa Valenzuela City, noong Linggo ng gabi.

Kasalukuyang ginagamot sa ospital si Je-Ar Fuentes, 21, ng Hulong Street, Barangay Bignay ng nasabing lungsod, sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa report, dakong 10:00 ng gabi, naglalakad papauwi si Fuentes nang masalubong niya ang apat na lalaki.

Hindi pa man nakalalampas si Fuentes sa mga nakasalubong ay inundayan na ito ng saksak at natigilan lamang at mabilis na nagsitakas nang sumigaw na ang ilang residente.

'May milyonaryo ulit!' Lone bettor, wagi ng ₱15M sa Super Lotto 6/49!

Ayon sa mga saksi, lasing ang biktima at pasuray-suray sa paglalakad na maaaring dahilan kung bakit nainis at nanaksak ang apat na suspek. (Orly L. Barcala)