(AFP) – Si Dahir Ahmed Adan, ang Somali American na nanaksak sa isang mall sa Minnesota na ikinasugat ng siyam katao, ay isang matalinong estudyante na walang rekord ng karahasan.

Nabaril at napatay ng mga isang off-duty police officer si Adan, tinatayang nasa 20-22 anyos, matapos ang pag-atake noong Sabado, na inako ng grupong Islamic State na kagagawan ng isa sa “soldiers” nito.

Sinabi ng ama ni Adan, sa panayam ng Minneapolis Star Tribune, na ang kanyang anak ay isinilang sa Kenya ngunit lumaki sa United States. Hindi siya naghinala na ang kanyang anak ay may kaugnayan sa terorismo.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline