MOSCOW (AP) — Ipinahayag ni Russian President Vladimir Putin na ang naganap na pag-hack sa medical record ng Olympic athletes ay patunay lamang sa pagiging “hypocritical” sa naging desisyon ng International Paralympic Committee (IPC) na i-ban ang mga Russian athletes sa katatapos na Rio Paralympics.

Sinabi ito ni Putin nitong Lunes (Martes sa Manila) matapos ma-exposed ng tinaguriang ‘Fancy Bears’ ang bagong listahan ng mga atleta na na-hack mula sa database ng World Anti-Doping Agency (WADA).

Batay sa record, pinayagan ng WADA ang mga naturang atleta na gumamit ng gamot na kabilang sa ipinagbabawal sa international competition bilang medisina sa kanilang karamdaman.

Iginiit ni Putin na kinokondena niya ang ginawa ng naturang grupo, ngunit aniya nakatulong ito para malaman ng mundo ang katotohanan sa ginagawang manipulasyon ng WADA at ng US Team.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

“We don’t approve of the hackers’ action, it has helped reveal that people, who took part in the Olympics and looked absolutely healthy, had taken banned medicines giving them an edge in competition,” pahayag ni Putin.