AFTER interview with Boy Abunda, muling ipinagtapat nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kay Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice last Sunday na “exclusive couple” na sila, na maayos na at nagkakaintindihan na sila kumpara noong una pa silang magkakilala na panay ang kanilang away.
Nang tanungin ni Vice kung ano ang madalas nilang pag-awayan noon? Sagot ng dalawa, “Selos.”
Si Kathryn daw ang pinakaselosa.
“Mas ako na ‘yung nagseselos,” at sinabing dati ring seloso si Daniel.
Hindi rin sila papayag na iba na ang makapareha nila sa next project nila. Para kay Kathryn, “Ah hindi, hindi p’wede.
Grabe naman, sobrang aga naman nu’n,” sabay tawa.
“I think hindi pup’wede ngayon,” salo ni Daniel, “hindi lang para sa amin kundi para rin sa mga fans.”
Bagamat sinabi rin ni Daniel sa grand presscon ng Barcelona: A Love Untold na exclusive na sila ni Kathryn at walang third party na puwedeng sumingit, ang official na pag-amin na sila na nga ay nakabitin pa rin.
Kaya’t nagsalita si Daniel na, “Abangan n’yo ‘yung pag-amin.”
Tanong ni Vice kay Daniel, sila ba’y magdyowa na pero ‘di pa nila inaamin? Thumbs up sign ang isinagot ng binata, na ibig sabihin ay “sila na” nga pero tikom pa rin ang kanilang bibig sa aminan.
Tinukso rin ni Vice ang dalawa tungkol sa kanilang first on-screen kiss.
Sinubukang hulihin ni Vice kung nag-kiss na rin ba sila off cam pero sinabi naman ni Daniel na bawal pa daw ang ganu’n. Na, ikinataas ng kilay ng GGV host.
Samantala, pagkatapos ng tatlong magkakasunod na block screening sa Dolphy Theater last Saturday, organized by Yita Long, lumipad the following day ang KathNiel sa Kuala Lumpur, Malaysia para dumalo sa international premiere ng Barcelona: A Love Untold sa nasabing bansa. (ADOR SALUTA)