jerome-copy-copy

PARANG tapos na sa “ligawan stage” ang ABS-CBN actor na si Jerome Ponce at volleyball player na si Mika Reyes dahil sa picture nila habang nasa eroplano, magka-holding hands sila. Hindi lang basta holding hands, mahigpit ang pagkakahawak nila ng kanilang mga kamay.

Hindi maiwasang may mga basher ang relasyon ng dalawa, lalo na sa parte ni Jerome dahil artista raw ito at iba ang mundong ginagalawan sa mundo ni Mika. Pero malay nating lahat, ‘wag na tayong makialam, at kung nagmamahalan sila, pabayaan silang maging masaya.

Si Jerome ang ex ni Elisse Joson na nang magkaroon ng chance na makapag-usap sa Pinoy Big Brother, nag-sorry dahil hindi naging open sa relasyon kay Elisse dahil sa kanyang career.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Si Mika naman ay ex-girlfriend ng basketball player na si Kiefer Ravena na ngayon ay boyfriend na ni Alyssa Valdez na gaya ni Mika ay volleyball player din.

In fairness, bagay sina Jerome at Mika at sana, hindi masira ang relasyon nila kahit taga-showbiz si Jerome at si Mika ay sa sports galing. (Nitz Miralles)