Tumulak sa Colombia si Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa, hepe ng Philippine National Police (PNP), kung saan ipiprisinta nito ang istilo ng bansa sa kampanya laban sa ilegal na droga.

“The Chief PNP will present what the Philippines has been doing in the war on drugs,” ayon kay Senior Supt. Dionardo Carlos, tagapagsalita ng PNP.

Bukod dito, sisilipin din ni Dela Rosa ang diskarte naman ng Colombia sa matagumpay na anti-drug war din ng nasabing bansa.

Ang anti-drug campaign ng pamahalaan ay magugunitang humakot ng batikos, maging sa labas ng bansa dahil umano sa human rights violations. Umaabot na sa 3,000 hinihinalang drug pushers ang napapatay simula noong Hulyo 1.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Probably we can learn how we can improve our ongoing fight against illegal drugs based on the experience of Colombia or other countries conducting campaign against illegal drugs,” dagdag pa ni Carlos.

Samantala mayroon din naman umanong matututuhan ang ibang bansa sa istilo ng Pilipinas laban sa droga.

(Aaron Recuenco)