Bitin ang 6 na buwan para masugpo ang ilegal na droga at kriminalidad sa bansa.

Dahil dito, humirit ng 6 na buwan pang extension si Pangulong Rodrigo Duterte, kasabay ng pagtiyak na gagawin ng gobyerno ang lahat para masugpo ang krimen at droga.

Magugunita na noong kampanya, tatlo hanggang anim na buwan ang pangako ng Pangulo para tapusin ang problema.

Kamakalawa ng gabi, humihingi pa ng kaunting panahon ang Pangulo.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

“We are wracked with so many problems--- kidnapping in the south, terrorism, drugs which is really pulling us down, and I can say that we would need time to put everything in order,” ayon sa Pangulo.

“That self imposed time of three to six months, well I did not realize how severe and how serious the problem of drug menace in this Republic until I became President,” dagdag pa nito.

Sinabi ng Pangulo na mistulang uod na naglitawan ang 700,000 drug addicts at libong opisyal ng pamahalaan ang sangkot sa illegal drug trade.

Sa hanay lang ng barangay captains, sinabi ng Pangulo na “even if I wanted to, I cannot kill them all,” dahil masyado umanong marami ang mga ito. (Elena L. Aben at Beth Camia)