coco-copy-copy

SUMASABAY sa police reports ang mga ipinalalabas na episode ng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin at puring-puri ito ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.

 

Kaya inendorso ng mambabatas na gawing celebrity advocate for a drug-free Philippines si Coco.

Human-Interest

KILALANIN: Si Pope Leo XIV—ang Santo Papa na aktibo sa social media

“Sa palagay ko itong si Coco Martin ‘sinasapuso niya ang kanyang karakter bilang si Cardo Dalisay,” sabi ni Rep. Barbers. “He plays the role as if he’s a real-life cop. Mahalaga ito sapagkat dahil sa kanya, nanunumbalik na ang tiwala ng ating mga kababayan sa ating kapulisan.”

 

Malaking tulong daw ang Probinsyano sa pagpapataas ng crime awareness and prevention sa televiewers.

 

The producers, cast and crew of the TV show, FPJ’s Ang Probinsyano are doing a great job. Tila makatotohanan ang mga sitwasyon na ‘pinapakita sa palabas,” pahayag pa ng kongresista na siyang chairman ng House committee on Dangerous Drugs.

 

“As we continue to wage war against illegal drugs, we need an advocate who has the public’s trust, someone who has no criminal record and has never been involved in illegal drugs. I am confident that Coco Martin is perfect for the job.” (Reggee Bonoan)