Masusing bineberipika ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang celebrities o mga artista na kasama sa listahan ng mga sangkot o gumagamit ng ilegal na droga.

Ayon kay NCRPO Director Chief Supt. Oscar Albayalde, nakuha nila ang mga impormasyon sa mga naarestong drug pusher ngunit sa oras na makumpirma ang pagkakasangkot sa droga ng mga artistang nasa listahan ay sisimulan nila ang imbestigasyon laban sa mga ito.

Panawagan ni Albayalde sa mga artista, sumailalim na lang ang mga ito sa drug test.

At upang mapatunayan ang kredibilidad ng drug test, maaaring imbitahan ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ng PNP Crime Laboratory na magbabantay sa isasagawang pagsusuri. (Bella Gamotea)

Iba't ibang grupo, kumpirmadong magkakasa ng 'anti-corruption rally' sa Feb. 25