Setyembre 20, 1946 nang idaos ang unang Cannes Film Festival sa Cannes, isang resort city, matapos maantala ang pagpapasinaya noong Setyembre 1939 dahil sa World War II.
Iprenisinta sa unang edisyon ng film festival ang 18 bansa, kabilang ang “The Lost Weekend” ng Austrian-American director na si Billy Wilder; “Open City” ng Italian director na si Roberto Rossellini; “The Battle of the Rails” ng French director na si René Clement at “Brief Encounter” ng British director David Lean at marami pang iba. Siyam na pelikula ang pinarangalan na may top award, Grand Prix du Festival, sa unang Cannes.
Taong 2000 nang manalo ng award ang Pilipinas sa prestihiyosong filmfest. Sa taong iyon, napanalunan ng “Anino” ni Raymond Red ang Palme d’Or for Short Films. Taong 2009 napanalunan ni Brillante Mendoza ang Best Director for media drama na “Kinatay”. At noong Mayo 2016, kinilala si Jaclyn Jose bilang Best Actress sa kanyang pagganap sa pelikulang “Ma’Rosa”.