Pinatawan ng six-month preventive suspension without pay ang ama ni Senator Juan Miguel Zubiri na si Bukidnon Gov. Jose Ma. Zubiri, Jr. kaugnay ng kinahaharap nitong reklamong administratibo.

Ibinaba ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang kautusan matapos mapatunayang nagkasala si Zubiri sa grave abuse of authority at paglabag sa Section 5(a) ng Code of Ethical Standards for Public Officials and Employees (RA No. 6713).

Paliwanag ng Ombudsman, natuklasan nila na tinanggihan ng gobernador na pirmahan ang clearance ng dating provincial assessor na si Carlos Ycaro, gayundin ang request for commutation nito, noong Enero 2013.

Bilang depensa, sinabi ng gobernador Zubiri na hindi pa dapat mabigyan ng clearance si Ycaro dahil sa mga “nawawalang upuan” na pananagutan umano nito.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“This cannot serve as valid excuse to deny approval of his application for leave commutation, especially where he has more than 300 days in commutable leave credits,” saad sa ruling ng Ombudsman. (Rommel P. Tabbad)