TALAVERA, Nueva Ecija – Agad na namatay ang isang 45-anyos na kapitan ng barangay makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang motorcycle riding-in-tandem sa Purok 3, Barangay Gulod sa bayang ito, nitong Linggo ng umaga.

Sa ulat ni Supt. Leandro Novilla, hepe ng Talavera Police, kay Mayor Nerivi Santos-Martinez, kinilala ang biktimang si George Mangalindan y Corpuz, may asawa, chairman ng Bgy. Caputican, na hindi na umabot nang buhay sa pagamutan.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa pamamaril. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar