TRULILI kaya ang kuwento sa amin ng non-showbiz friend ng aktor na hindi pa naman daw talaga ito okay at ang aktres na kasama sa seryeng umeere na ngayon.
“Civil lang sila dahil trabaho, eh. Saka ang ganda ng talent fee, tatanggi pa ba siya (aktor)? The girl naman, I’m sure trabaho lang din at saka kailangan din niya ng work, ‘no! Malaki ang gastos sa pamilya,” kuwento ng non-showbiz friend ng aktor.
Sabagay, open book naman kung bakit nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang aktor at ang aktres. Malalim ito, pero hindi na pinag-uusapan pa para hindi na lumaki pa.
Kaya ang magic word ay, ‘civil’ kung bakit magkasama ngayon sa serye ang dalawa.
“Saka wala namang choice na rin kundi mag-usap sila dahil maliit lang ang showbiz,” sabi pa sa amin.
Mabenta ang serye ng dalawa at maski na hindi sila ang lead stars ay importante ang mga papel nila.
(Reggee Bonoan)