HINDI lang sa takilya namamayagpag ang pelikulang Barcelona kundi maging sa mga diyaryo at social media dahil inuulan ito ng mga papuri lalung-lalo na ang akting ni Daniel Padilla.
Ayon sa film reviewer ng isang pangunahing pahayagan, pinatunayan ni Daniel na hindi lang tsamba ang credible acting na ipinakita niya sa Crazy Beautiful You. Sa Barcelona ay damang-dama ang ebidensiya.
Maturity becomes Daniel, ayon sa nag-review at inihanay niya ang pagganap ng young actor as one of his most memorable and finest to date. May consistency at maging ang pagtulo ng luha ay makatotohanan at makabagbag-damdamin.
Kung mayroon mang pinuna ang reviewer, ito ay ang overacting ng ilan sa supporting performers at estilo ng pagsasalaysay na uso noong dekada 80.
Walang dudang big at important asset si Daniel sa Kapamilya Network.
Sa pananaw naman ni Boy Abunda, Daniel is the next Aga Muhlach.
Ang Barcelona ay tungkol sa buhay ng ating mga OFW, ang kanilang paghihirap para matupad ang mga pangarap para sa sarili at kanilang pamilya.
Bonus siyempre ang love story nina Daniel at Kathryn Bernardo na siyempre pang marami ang kinikilig. (REMY UMEREZ)