CABANATUAN CITY – Tatlong hindi pa kilalang lalaki na hinihinalang sinalvage ang natagpuan sa gilid ng kalsada sa Montevista Street, Barangay Padre Crisostomo sa lungsod na ito, nitong Linggo ng umaga.

Ayon kay Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, walang pagkakakilanlan ang mga biktima na natagpuan ng bantay-bayan na si Jayson Abaries, 33, ng Purok Amihan.

Sa pagresponde ng pulisya dakong 6:30 ng umaga, natagpuan ang mga bangkay na naka-blindfold, nakagapos ng alambre ang mga kamay at nasasabitan ng karatulang “Magnanakaw kami, ‘wag tularan.” (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar