DANGWA, Benguet – Kabilang ang 124 na lokal na opisyal ng Cordillera Administrative Region (CAR) sa mga kusang sumuko sa awtoridad kaugnay ng Oplan Tokhang ng pulisya.

Masusing tinutugaygayan ng pulisya ang nasabing bilang ng mga opisyal upang tiyaking hindi na babalik sa dating ilegal na gawain ang mga ito.

Batay sa datos ng Police Regional Office (PRO)-Cordillera, sumuko sa pagkakasangkot sa droga ang tatlong alkalde, siyam na board member, 23 barangay chairman, 54 na kagawad, anim na tanod, anim na public school teacher, 19 na kawani ng gobyerno, dalawa mula sa Citizen Armed Force Geographical Unit (CAGFU), isang dating mayor at isang dating bokal.

Sinabi ni PRO-Cordiller Director Chief Supt. Elmo Sarona na karamihan sa mga sumuko ay nais na linisin ang kanilang pangalan, habang aminado naman ang iba na gumagamit nga sila ng droga.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa pagpapatupad ng Oplan Double Barrel ng pulisya mula Hulyo 1 hanggang Setyembre 8, may kabuuang 8,153 adik at tulak ang sumuko, 234 ang naaktuhan, at walo ang napatay sa operasyon ng pulisya. (Rizaldy Comanda)