NINE years na sa music scene ang The Ryan Cayabyab Singers (RCS) at katatapos lang i-launch ang kanilang third album at ang first single nilang Sa Panaginip Lamang.

Dumaan sa maraming auditions ang pitong members ng RCS. Nang finally ay mapili ni Maestro Ryan Cayabyab ang pito (walo sana sila, pero last minute ay nagpaalam ang isa dahil mag-a-audition din sa isang company na siyempre ay wala silang laban dahil mas malaki raw iyon), hindi na siya nag-effort na maghanap pa ng ikawalong member, sinimulan na nila ang album.

Ilang kanta rin ang ginawa ni Maestro Ryan, ang iba sarili nang compositions ng pitong RCS members. Hindi naman ni-require ni Mr. C na nag-aaral sila ng music. Ang gusto lang niyang makuha ay all-around performers, hindi lang basta mahusay kumanta kundi marunong kumilos onstage bilang seasoned professionals.

Napakagandang pakinggan ng RCS noong launch nila at para silang sinusian na kahit anong awitin ang ipakanta ay kayang-kaya nila, simula sa classical, choral, ballads, RnB, boy band music, pop, soul, atbp.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang bumubuo ng RCS ay sina Poppet Bernadas, Kaye Tiuseco, Erwin Lasaca, Sherleen dela Cruz, Celine Fabie, VJ Caber at Anthony Castillo.

Kahit saan ay puwede silang kumanta, pero sa ngayon ay mas marami silang corporate shows. May isa lang silang hindi puwedeng gawin, ang mag-interpret ng songs sa PhilPop na ang chairman ay si Mr. C.

Natawa kami sa sabi ni Maestro Ryan na kailangan daw niyang mag-compose muli ng songs na matagal na niyang hindi ginagawa, kaya baka raw rusty na siya.

Bago umalis ng bansa for a series of shows, maggi-guest muna Ang Ryan Cayabyab Singers sa iba’t ibang TV show. Sa October, may US tour sila sa New Jersey, San Francisco, Los Angeles, California, at Honolulu.–Nora Calderon