Asahan ang panibagong pagtataas ng presyo ng petrolyo na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng 15 hanggang 25 sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina at kerosene habang walang paggalaw sa presyo ng diesel.
Ang nakaambang oil price hike ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Lumitaw na apat na beses nang tumaas ang presyo ng kada litro ng gasolina at diesel, habang tatlong ulit naman sa kerosene matapos ang sunud-sunod na oil price rollback noong nakaraang buwan.
Noong Setyembre 13, nagtaas ang oil companies, sa pangunguna ng Flying V at Pilipinas Shell, ng 40 sentimos sa presyo ng gasolina at 30 sentimos sa diesel habang walang paggalaw sa halaga ng kerosene. - Bella Gamotea